Angara, tiniyak na pasok ang mga ‘ayuda programs’ sa 2023 National Budget

Pursigidong isulong ni Senator Sonny Angara ang pagbibigay ng ayuda upang suportahan ang mga sektor na nhanggang ngayon ay nakararanas ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Kasabay ng nagpapatuloy na bicameral conference committee para sa 2023 Appropriations Bill (GAB), sinabi ni Angara na nag-propose na ng tina-target na ayuda ang senado, iba pa sa ibinigay ng gobyerno noong kasagsagan ng pandemya.

Ilan sa mga sektor na nais paglaanan ng ayuda ay ang mga sektor ng health care workers, magsasaka, mangingisda, transportation sectors, senior citizens, mga nawalan ng trabaho, at pati na rin ang pinakamahihirap na Pilipino.

Dagdag ni Angara, sinisiguro nilang lahat ng Pilipino, ano mang estado sa buhay ay mabibigyan ng medical services kung sakaling magkakasakit.

Tumaas din aniya ang pondo sa medical assitance para sa Indigent at Financially-Incapacitated petients sa proposed 2023 budget.

Samantala, pinabulaanan naman ng chair of the Committee on Finance na hindi kasing-sustainable ng pagbibigay ng ayuda noong may lockdowns ang pagbibigay ng ayuda ngayon dahil sa kawalan ng sapat na pondo sanhi ng declined revenue collections.//SMM
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *