AFP, pinabulaanan ang umano’y red-tagging sa dalawang mga pastor sa Batangas

Nagbigay na ng kanilang reaksyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ukol sa petition for a writ of amparo na inihain ng dalawang pastor at lay leader laban sa umano’y pag-tagged sa kanilang bilang mga communist rebels ng ilang mga tauhan ng 59th Infantry “Protector” Battalion (59IB) ng 2nd Infantry Division.

Ayon kay AFP public affairs office chief Col. Jorry Baclor, sa kasalukuyan ay wala pa naman silang natatanggap na pormal na kopya ng petisyon.

Hihintayin daw nila ang formal copy at titingnang mabuti ang mga alegasyon at saka sila magbibigay ng opisyal na pahayag ukol dito.

Batay sa reports, sila Pastor Edwin at Julieta Egar ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) at ang lay leader na si Ronald Ramos ang naghain ng petition for a writ of amparo sa Supreme Court kahapon.

Ayon sa mga petitioners, mga tropa ng 59IB na nakabase sa Mauban, Quezon ang nag-akusa sa kanila at ipinipilit umano na mga miyembro sila ng New People’s Army o NPA nang wala namang sapat na ebidensya.

Nangyari ito noong October 31, 2022 kung saan tinatakot din daw umano sila ng mga militar at sinabing subject sila sa isang search operation.

Sa hiwalay na Facebook Post, nanindigan ang 59thIB na walang katotohanan ang mga alegasyon at tinawag nilang ‘fake news’ ang umano’y pandadahas nila.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *