APSEMO, maghihintay pang makalikom ng pondo upang tuluyang maipatupad ang rehabilitation plan sa ilang sektor kaugnay ng pag-alburoto ng Bulkan Mayon

LEGAZPI CITY – Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang mag-alburoto ang Bulkang Mayon at pinalikas ang mga pamilyang nakatira sa loob o malapit sa 6km permanent danger zone nito.

Tulad nang naunang sinabi ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), nagsimula na rin silang mag-usap at magplano tungkol sa rehabilitation programs pagkatapos ng abnormalidad ng bulkan.

Subalit, kinumpirma ni APSEMO Chief Dr. Cedric Daep sa Brigada News FM Legazpi na sa mayroon na silang nakahandang plano ngunit maghihintay pa silang makalikom ng sapat na pondo dahil hindi naman ito kayang pondohan ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa ngayon umano, habang humuhupa na ang ilang mga aktibidad ng bulkan, mayroon na silang procurement ng mga kailangan para sa agrikultura, tutal habang may mga panahong umuulan maaari nang umpisahan ang rehabilitasyon sa mga pananim na naiwan sa paanan ng Mayon.

Para naman sa iba pang apektadong sektor, kasalukuyan pa umanong nasa planning stage at pagsasapinal.

Samantala, pagkatapos naman ng comprehensive rehabilitation plan, kanila itong ipi-present sa PDRRMC meeting upang maaprubahan, i-adapt an i-endorse para sa pondo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *