Incumbent Barangay Kagawad, patay matapos na pagbabarilin

Patay ang isang incumbent Brgy Kagawad matapos itong pagbabarilin bandang 7:20 noong Sabado ng gabi, Setyembre 16, sa bayan ng Donsol, Sorsogon.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Baral Catiang, nasa tamang edad, may asawa at naninirahan sa Purok 5, Brgy Ogod ng nasabing bayan.

Sa ulat ng Donsol Municipal Police, ang biktima ay nasa loob ng kanyang bahay nang biglang  pasukin ito ng  dalawang armadong lalaki at basta na lamang pinagbabaril.

Naidala pa sana sa Donsol District Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor.

Narekober ng mga imbestigador sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng kalibre .45 na pistola at apat na basyo ng Cal .9mm na baril.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Donsol MPS sa motibo at pagkakakilanlan sa mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *