Armed men na pumaslang sa Barangay kagawad sa Masbate, hinihinalang mga kasapi ng NPA

SORSOGON CITY–Pinaniniwalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga armadong kalalakihang pumaslang sa isang incumbent barangay kagawad sa Brgy Obongan-Diot, Baleno, Masbate.
Una rito, batay sa report ng Baleno Municipal Police Station, dakong alas 2:30 ng hapon nitong nakaraang araw habang natutulog sa bahay nito ang biktimang si Romnick Drio, 33 anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar nang dumating ang 12 armadong kalalakihan at basta na lamang itong pinagbabaril.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong bala ng kalibre 45, limang bala ng 7.62mm at 27 bala ng 5.56mm.
Patuloy ngayon ang imbestigasyon sa kaso kung saan hinihikayat rin ng mga awtoridad ang komunidad na ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon na maaaring makapagtukoy sa mga salarin at sa motibo ng mga ito.
Kaugnay nito ay nagpaabot naman ng pakikiramay ang buong hanay ng PNP Bicol sa mga naulilang kaanak ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published.