32 kaso ng mas nakahahawang Omicron BA.5 subvariant, naitala

Kinumpirma ng Department of Health na nakapagtala ito ng tatlompu’t-dalawang mga bagong kaso ng mas nakahahawang subvariant ng Omicron na BA.5.

Sa DOH Media Forum ngayong tanghali, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 21 sa nasabing bilang ay nagmula sa Region 6.

Tig-apat naman ang nagmula sa CALABARZON at Metro Manila; habang tatlo ang nagpositibo sa Region 3.

Tatlompu sa mga ito ang fully-vaccinated habang isa ang partially vaccinated lamang..

Sa kasalukuyan, hindi pa rin tukoy ang exposure ng mga ito, at vine-verify pa rin ang kanilang travel history.

22 ang nakaranas ng mild symptoms; lima ang asymptomatic; habang for verification pa ang natitirang lima.

16 sa bilang ang recovered na; habang 14 ang nananatili pa rin sa isolation.

Sa kabuoan, aabot na sa 43 cases ng BA.5 ang kumpirmado sa Pilipinas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.