Asahan ang mas mataas na presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo

Matapos ang international trading, inilabas na ng mga oil industry sources ang final estimates para sa inaasahang paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtataya, inaasahang magtataas ang lahat ng mga oil products.

Posible ang P1.20 hanggang P1.50 na umento sa kada litro ng diesel.

May aasahan ding P0.90 hanggang P1.20 na dagdag sa kada litro ng gasolina.

Sa kerosene, mayroon ding pagtaas mula P1.20 hanggang P1.50 sa kada litro nito.

Araw ng Lunes iaanunsyo ang opisyal na price adjustment, habang magiging epektibo naman ito sa araw ng Martes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *