Aso, naghintay nang mahigit isang taon sa labas ng ospital para antayin ang kaniyang among hindi na babalik kailanman

Tunay ngang maituturing na ang mga aso ay maaring maging matalik na kaibigan ng mga tao.

Hindi lamang isang kaibigan, kundi maging kapamilya.

Ganito na lamang mailalarawan ang isang aso na napakatagal niya nang hinihintay ang pagbabalik ng kaniyang amo.

Umabot nang mahigit isang taon ang kaniyang paghihintay na mistulang hindi na papaboran ng tadhana.

Walang kamalay-malay ang naturang aso na sa tagal ng pabalik-balik niya sa labas ng Caloocan Hospital ay kailanma’y hindi na babalik ang kaniyang hinihintay na tao.

Ito’y matapos na ma-confine ang kaniyang amo dahil sa COVID-19 at kalauna’y namatay rin.

Sa ngayon, narescue na ang naturang aso ng Animal Kingdom Foundation para maalagaan siya sa panibago niyang tahananan at pinangalanan itong Morgan na katunog ng Morque kung saan, madalas niyang binabalik-balikang puntahan.

Gayunpaman, isa lamang patunay si Morgan na ganun na lamang ang pagmamahal ng kagaya niyang isang aso sa kaniyang amo at kahit sa ano mang oras at pagkakataon, hindi ka tatalikuran.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *