Ayuda para sa ‘poorest of the poor’ na maapektuhan ng ECQ, pinatitiyak ni Sen. Go

Ipinaliwanag ni Senator Christopher “Bong” Go na ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region ay bahagi ng preemptive response ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 delta variant.

Ayon kay Go may nakita ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na katulad ng isang apoy na kapag hindi pinatay ay posible itong kuamalat.

Inihayag ng Senador na ang kinatatakutan ng IATF ay matulad ang bansa sa nangyari sa Indonesia kung saan hindi na nakontrol ang paglaganap ng delta variant.

Nilinaw naman ni Go na bagama’t nauunawaan niya ang sentimiyento ng karamihan na ayaw ng ECQ, bilang Senador isinasaalang-alang niya ang buhay at kalusugan ng bawat Pilipino.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Go na umapela siya sa mga ahensiya ng pamahalaan na siguraduhing may sapat na pondo para mabigyan ng  ayuda ang mga pinakamahihirap  at pinakanangangailangan na kababayan  sa mga lugar na nasa ilalim ng  ECQ.

Binigyan-diin ni Go na dapat isipin ng  pamahalaan na mayroong pamilyang pinapakain   ang mga kababayan na pansamanatalang  mawawalan ng  kabuhayan  lalo na ang mga daily wage earners at mga isang  kahig isang tuka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *