Babae sa India, tinaguriang may pinaka maraming ngipin sa buong mundo

Sabi  nila suwerte mo raw kung mayroon kang kumpletong ngipin.

Malas mo naman kung nakulangan ang iyong ngipin dahil sa hindi inaasahang pangyayari at humantong sa pagkabungal.

Mistulang “the more, the merrier” naman pala na maituturing kapag sumobra ang iyong ngipin dahil sa nakatanggap lang naman kamakailan ng Guinness World Record title ang 26-anyos na babae mula sa India.

Siya ngayon ang may hawak ng titulong “Most Teeth in a Person’s Mouth” sa ilalim ng Female category.

Alam naman natin na ang pankaraniwang ngipin ng isang human adult ay umaabot lamang ng 32.

Ngunit, ibahin natin ang babaeng ito ‘pagkat mayroon lang naman siyang kabuohang 38 bilang ng ngipin kung kaya nakuha niya ang may pinakamaraming ngipin sa buong mundo. ###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *