Babaeng preso, nabuntis ng kapwa preso sa SoCot prov’l jail


KORONADAL CITY — ISANG babaeng preso ng South Cotabato Provincial Jail ang nabuntis umano ng kapwa nito preso.


Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Provincial Jail Warden Felicito Gumapac, kinumperma nitong isang babaeng inmate na nagsisilbing janitor ng pasilidad ang nabuntis ng kapwa nito preso.


Sinabi ni Gumapac na nasa limang buwan na ang tiyan ng hindi na pinangalang preso at bago lang nila nalaman ang pagbubuntis nito.


Inako din ng opisyal na malaking pala-isipan sa kanila kung paano nabuntis ang babaeng preso dahil may mga lady guards naman umanong nagbabantay sa mga ito.


Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pamunuan ng provincial jail sa insidente.


Ina-alam din umano nila ang kung saan lugar sa loob ng pasilidad posibleng ginawa ng dalawa ang ‘milagro’ na naging dahilan ng pagbubuntis ng babaeng inmate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *