Bagong Subic Municipal Park, Binuksan na

Binuksan na ng Lokal na Pamahalaan ang bagong Subic Municipal Park.

Ito ay magsisilbing pasyalan at libangan ng mga mamamayan ng Subic at maging ang mga turistang darayo dito.

Ang pagbubukas ay isinagawa noong May 4, 2024 kasabay ng blessing nito.

Hinihiling naman ng Pamahalaan na panatilihing malinis ang pasilidad, iwasan ang pagiiwan ng kalat at pagsira sa mga halaman upang hindi mawala ang kagandahan ng lugar.

Samantala, pinangunahan ni First District Congressman Jay Khonghun at ni Subic Mayor Jon Khonghun ang nasabing aktibidad.//LESLEY-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *