Bakbakan sa pagitan ng PNP at umano’y miyembro ng NPA, sumiklab sa Gattaran, Cagayan

Sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng kapulisan at mga hinihinalang miyembro ng NPA sa Bry. Mabuno, Gattaran Cagayan kaninang alas-7 ng umaga, June 7, 2021.

Nangyari ang bakbakan nang paputukan ng mga pinaniniwalaang rebelde ang mga kasapi ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Cagayan Police Provincial Office habang nagtatrabaho sa ginagawang PNP Libre Project Pabahay sa bahagi ng Sitio. Sicalao.

Nagmula ang mga putok ng baril sa ‘di kalayuan kung saan sila nakapwesto.

Agad namang dumating sa lugar ang iba pang pangkat ng 2nd PMFC na pinamumunuan ni PLtCol Ramil Alipio at ang Alpha Company ng 77th Infantry Battalion ng Philippine Army sa pangunguna ni 1Lt. Dondon Malidas.

Umabot umano sa limang minute ang bakbakan sa pagitan ng dalawang panig kung saan umatras din ang mga rebelde patungo sa hilagang direksyon sa pagdating ng karagdagang pwersa ng tropa ng pamahalaan.

Mapalad namang walang nasugutan sa mga kapulisan at kasundaluhan.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang isinasawang pagtugis sa mga naturang rebeldeng-NPA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *