Bangkay ng OFW na umano’y pinatay sa Dubai, naka-uwi na ng Koronadal

KORONADAL CITY — DUMATING na sa lungsod ng Koronadal kahapon ang bangkay ng isang Overseas Filipino Worker o OFW na umano’y tinulak at nahulog mula sa rooftop ng 4th floor building na tinitirhan nito sa Dubai.

Kinilala ang OFW na si Roy Demingoy, nasa legal na edad at residente ng Purok Bagong Silang, Barangay Sta. Cruz, Koronadal.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal sa kapatid nito na si Lloyd Demingoy, Oktubre 5 na ng umaga nang makita ang bangkay ng kapatid nito na nahulog umano mula sa rooftop.

Ayon sa impormasyon na nakuha ng pamilya, posibleng itinulak umano ito ng isang Pakistani mula sa rooftop sa hindi malamang dahilan.

Setyembre 2016 nang nagsimula mag-trabaho sa Dubai si Roy bilang cleaner ngunit ngayong taon lamang, lumipat ito sa ibang kompanya at na-promote bilang assistant chef.

Inako naman umano ng Pakistani ang ginawang pagtulak sa OFW at ngayon ay naka-detain na ito sa Police Dubai.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *