Higit 935-K target bakunahan sa 3-day national vaccination drive laban sa COVID 19 sa region 12

KORONADAL CITY- Target ng Department of Health o DOH 12 na mabakunahan laban sa COVID 19 ang 935,682 na mga indibidwal sa buong Soccsksargen region sa isasagawang “Bayanihan Bakunahan” national COVID 19 vaccination days sa November 29 hanggang December 1.

Layunin nito na ma-mobilize ang mga government agencies, local government units at mga stakeholders upang mapabilis ang pag pag-abot sa herd immunity.

Sa target population, 296,544 ang nasa North Cotabato; 182,085 sa South Cotabato; 162, 924 sa Sultan Kudarat; 134, 484 sa Saranggani; 105,267 sa General Santos City; at 54,377 naman sa Cotabato City.

Kaugnay nito, hinihikayat ni DOH 12 Assistant Regional Director Dr. Sulpicio Henry Legaspi ang mga hindi pa nababakunahan na samantalahin ang pagkakataon at makilahok sa 3-araw na national vaccination day.

Sa tala ng DOH 12 noong November 17, nasa 851,751 na mga indibidwal pa lamang ang nabakunahan laban sa COVID 19 o 24.4% ng kabuuang target population sa Soccsksargen na 3.4 million.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *