Basura at tubig, isyung patuloy na kinakaharap pa rin ng ilang mga barangay opisyal sa Naga City

NAGA CITY – Nadagdagan ang isyu at problemang kinakaharap ng mga barangay opisyal sa Naga City lalo na sa upper barangay na may minamantening resorts na bukod sa basura, problema na rin nila ang mahina at pawalang tubig mula sa Metropolitan Naga Water District ilang linggo ng nararansan sa lungsod.

Sa Barangay Panicuason, sinabi ni Punong Barangay Domingo Ramos na hindi naman sila nagkukulang sa mga ekskursiyonista sa pagpapaalala na huwag magkalat ng basura,subalit hindi naiiwasan ang paglabag lalo na kung mga lasing na ang mga ito,sa tubig naman bagamat may sarili silang water source o itong Panicuason Water System na libre ang tubig ay ganito rin ang nangyayari sa kanila, anya’y kulang na halos ang tubig.

Magkagayuman, nairaraos din nila dahil na rin sa may MNWD pa rin silang pinagkukunan kahit na limitado ang nailalabas na tubig,malakas lamang kung gabi at halos wala sa umaga,tulad ng sa ibang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *