Bata na tinangay ng buwaya sa Rizal, patuloy na pinaghahanap

Patuloy ang paghahanap sa 10 taong gulang na bata na sinakmal ng buwaya sa ilog ng Canipaan, Rizal Palawan.

Ayon kay Forester John Vincent Fabello – Spokesperson, PCSDS, ngayong araw ay itutuloy nila ang paghalughog para mahanap ang katawan ni Antonio Cardejon III.

Tututok ang team sa mga sanga-sanga ng ilog ng Canipaan.

Kaugnay nito, inihayag ni Fabello na breeding season ngayon ng mga buwaya kaya sila’y mas agresibo.

Paliwanag pa niya, may protocol sa paghuli ng awtoridad sa buwaya at ibinabala nito na sa oras na may hinuling buwaya sa isang lugar ay inaasahang may papalit na mas agresibo at delikado.

Samantala, nakasentro sa ngayon ang paghahanap sa katawan ng 10 anyos na bata bago isusunod ang pagtukoy sa mismong buwaya na tumangay rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *