Lola sinunog ng buhay, inialay sa ritwal ng sariling mga apo sa Misamis Oriental

Karumal-dumal ang sinapit ng isang 77-taong gulang na lola matapos pinagkaisahang sinunog ng buhay ng kanyang mga apo, anak, at kamag-anak sa Sitio Palipi, Barangay Baliwagan, sa bayan ng Balingasag, Misamis Oriental.

Ayon kay Balingasag Municipal Police Station, Investigator Police Staff Sergeant Robert John Galdo, madaling araw umano ginawa ang krimen kung saan pwersahang binuhat ng mga suspek ang biktima at inihagis sa naglalagablab na apoy.

Nagsilbing lider sa krimen si Crisanto Ercilla, ang apo ng nabanggit na biktima.

Nag-alay pa ng dasal o ritwal ang mga suspek habang pinanuod at pinalibutan ang nasusunog na katawan ng lola, basi narin sa kanilang paniniwala sa isang relihiyosong aktibidad.

Napag-alaman rin sa imbestigasyon, pawang mga walang kain ang mga suspek dahil magdamag di umano silang nagdarasal.

Kaugnay nito, ang 7 sa mga suspek ay na-aresto na ng kapolisan kung saan nagpapakita pa sila ng bayolenteng aksyon habang naka-kustodiya, at may apat pa na mga salarin ang kasalukuyang pinaghahanap ng mga otoridad.

Kasong parricide ang isasampa laban sa labin isang suspek sa nasabing krimen. (BRIGADA CDO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *