5-day in-person classes, isinusulong ng DepEd

KORONADAL CITY — MAHIGPIT na hinihikayat ng Department of Education o DepEd ang lahat ng mga school heads na magsagawa ng face-to-face classes sa loob ng limang araw kada linggo.

Ito ang inihayag ni Ruth Estacio, schools division superintendent ng South Cotabato sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan ito ang kanilang napag-desisyunan kasama ang mga school heads ng bawat eskwelahan sa buong lalawigan.

Ayon kay Estacio, hindi umano magiging hadlang ang kakulangan ng mga classrooms, guro, mga upuan at iba pa sa pagbabalik ng face-to-face classes dahil ito na ang tinututukan sa ngayon ng DepEd Division Office.

Sa ngayon, may dagdag na 93 mga guro sa senior high school na ipinadala sa mga paaralan na kulang o walang mga guro sa nabanggit na kategorya.

Dagdag pa ni Estacio na walang dahilan upang mag-deklara ng severe problem ang lalawigan sa edukasyon dahil agad naman itong nasu-solusyunan.

Napakatagal na umano ng nakaraang dalawang taon upang hindi pa isagawa ang face-to-face classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *