Batang ina sa lungsod ng Sorsogon pumalo na sa 127 ngayong taon

SORSOGON CITY- Pumalo na sa 127 ang bilang ng mga batang ina sa lungsod ng Sorsogon.

Ang datos na ito ay mula sa Commitee on Health and Sanitation and Commitee on Social Services ng Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon matapos na talakayin nitong nakaraang session ang estado ng teenage pregnancy sa lokalidad.

Ayon sa nasabing komitiba mula sa naitalang bilang, layunin ng Commission on Population o POPCOM na mapigilan ang patuloy na pagtaas ng antas nito sa pamamagitan ng pagsulong ng mga programang may kinalaman sa family planning, teenage pregnancy at sexual education sa lugar.

Kaugnay nito, umaasa ang Konseho ng lungsod na sa pamamagitan ng programa ng POPCOM ay maipapaunawa sa mga kabataan ang kahalagahan ng pag-iiwas na masangkot sa maaga at hindi handang pagbubuntis.

Ang maagang pagbubuntis o teenage pregnancy ay tumutukoy sa pagdadalang-tao ng mga dalagang edad 15 hanggang 19 anyos. Ayon sa WHO tinatayang nasa 21M teenage pregnancies ang naitatala sa mga developing countries sa buong mundo taon-taon.

Noong 2019, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na nasa lebel na raw ng ‘’national concern’’ ang dami ng teenage pregnancy sa bansa. Aniya, sa 3 rehiyon lamang sa Mindanao, 15-18% ng mga teenager ay mga nanay na.

Hinimok nito ang mga mambabatas na magsagawa ng mga hakbang upang maagapan ang lumalalang problemang ito. Nais ni Pernia na gumawa ng teenage pregnancy prevention bill ang Kongreso upang masolusyonan ang problemang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *