Bicol region nakapagtala lamang 13 bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

BICOL—Umaabot lamang sa 13 panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Bicol region ngayong araw.

Sampo nito ay mula sa Camarines Sur kung saan apat ang naitala sa Naga City, dalawa sa bayan ng Nabua at tig-iisa ang mga bayan ng Bula, Goa, Minalabac at Ragay.

Isang kaso ang nadagdag sa Camarines Norte na mula sa bayan ng Sta. Elena, isa sa Masbate mula sa Masbate City at isa rin sa others o indibidwal na mula sa labas ng Bicol pero dito na natest positive sa sakit. Zero new cases ang mga lalawigan ng Albay, Catanduanes at Sorsogon.

Ayon sa Department of Health (DOH), kakaunting specimen lamang ang naisumite kung kaya inaasahan nila ang pagdating ng mga ito ngayong araw para maisama sa report bukas.

Sa kabuuan, mayroon nang 21, 958 na kaso ng COVID-19 ang Bicol region. 18, 133 na nito ang mga gumaling matapos madagdagan ng 23 na panibagong recoveries. 18 ang mula sa Sorsogon at lima sa lalawigan ng Catanduanes.

Samatala, pumalo na sa 838 ang death toll matapos na magtala ng pitong panibagong nasawi. Apat nito ay mula sa Camarines Norte, dalawa sa Naga City  at isa sa Camarines Sur.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *