Batangas City handa na sa Pfizer vaccine; ultra low temp freezer meron na ang siyudad

Batangas City -Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ang pagtanggap ng pfizer vaccine na magmumula sa Department of Health.

Nauna na kasing tinuran ng Department of Health na kwalipikado ang Batangas City sa pagtanggap ng bakuna, bukod pa ang kapasidad ng siyudad na humawak nito dagdag pa na mayroon ng ultra low temperature freezer ang siyudad na tamang paglalagyan ng nasabing mga bakuna.

Matatandaang ipinabatid ni Atty. Reginald Dimacuha, Secretary to the Mayor sa Batangas City, na mayroon nang ultra low temperature freezer ang Batangas City dagdag pa ang impormasyon na maaring dumating sa siyudad ang Moderna at Novovax na inorder ng siyudad sa 3rd quarter hanggang 4th quarter ng taong ito ngunit habang hinihintay ang pagdating ng mga biniling bakuna ay humiling na ng karagdagang alokasyon ang pamunuan ni Batangas City Mayor Beverley Dimacuha upang magtuloy-tuloy ang bakunahan nang sa ganun ay makamit na ang inaasam na herd immunity ng Batangas City.

Kinakailangan na mabakunahan ang may 266k na residente ng lunsod para sa herd immunity.

Sa kasalukuyan ginagamit ng lokal na pamahaalan ang sinovac at astra zeneca na nagmula din sa pamahalaang nasyunal para sa mga naka-takda mabakunahan sa lunsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *