Bawas-singil sa pamasahe sa Jeep na may rutang Sto-Domingo-Legazpi, epektibo na

LEGAZPI-Epektibo na kahapon ang bawas singil sa pamasahe sa mga jeepney sa bayan ng Sto. Domingo, Albay patungong lungsod ng Legazpi, Vise versa.

Ito ay matapos ng pakikipagdayalogo ng lokal na pamahalaan ng bayan na pinangunahan ni Chairman on Committee on Transportation kasama ang mga representantes mula sa LTFRB Bicol at mga tauhan ng Legazpi – Sto. Domingo Jeepney Operators & Drivers’ Association (LESJODA).

Napagdesisyunan na ibababa na sa Php 26.00 ang pamasahe sa jeep, terminal-to-terminal.

Lumalabas kasi na 14 kilometers lang naman ang distansya ng nasabing bayan sa lungsod ng Legazpi at 11 pesos lamang ang minimum na pamase at ang dagdag ay dun lamang sa extended kilometres.

Kay ng kinompute ito, umabot ito ng 26 pesos taliwas sa una ng pamasahe na inemplementa.

Maliban pa rito ang 20% discount sa mga estudyante, senior citizens at mga PWDs ang dapat pa rin masunod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *