2 babae arestado sa tangkang pagnanakaw sa isang liason officer sa Daraga, Albay

LEGAZPI-Huli sa aktong tangkang pagnanakaw ang dalawang babae na agad naman na naaresto ng Daraga PNP sa kahabaan ng Rizal St., Brgy. Ilawod, Daraga, Albay.

Sa report kan Daraga PNP, ang mga arestadong suspek ay parehong nasa tamang edad, walang trabaho, at mga residente ng Pug-os, Sinait, Ilocos Sur.

Ayon sa imbistigasyon, habang naglalakad ang biktimang si Minviluz Redito, 59 taong gulang, may asawa, Liason Officer at residente ng Purok Central, Brgy. Putiao, Pilar Sorsogon,  bandang 6:00 sa nasabing lugar patungo sa terminal ng jeep (Daraga-Cumadcad), binangga siya ng isang babae mula sa kanyang likuran habang may dalawang babae naman na kasabay nya sa kanyang paglalakad na pilit syang iniipit.

Hanggang sa may narinig ang biktima na sigaw na magnanakaw hanggang sa paglingon nya ay nakita nya ang isa sa mga suspek habang ang kamay nito ay nakapasok sa loob ng kanyang shoulder bag at nasa akto ng tangkang pagnanakaw.

Ang shoulder bag ng biktima ay naglalaman ng cellphone at wallet na may lamang Php15,970.00.

Matapos maalarma, nagtakbuhan ang mga suspect na agad namang hinabol ng mga kapulisan ng Daraga na naka-duty sa nasabing lugar.

Naaresto ang dalawa sa mga suspek samantalang nakatakas ang isa sa kanilang kasamahan. Positibong kinilala ng biktima at ng saksi ang mga nahuling suspek.

Sa ngayon, ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga Daraga PNP at nahaharap sa kaso ng tangkang pagnanakaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *