Bayan ng Daet halos isang buwan ng  zero active case  sa COVID-19

CAMARINES NORTE- Mula sa datus na ipinalabas ng Daet IMT sa pamamagitan ng kanilang emergency operations center halos isang buwan ng Zero active case  sa COVID-19 ang bayan ng Daet

Napapanatili sa ngayon ng naturang bayan ang low risk area ng COVID-19 kung saan 0 % na rin ang average daily attack rate ng COVID-19 sa sa 25 barangay

Sa 1,340 cumulative cases umabot na sa 1,272 ang mga pasyenteng gumaling sa sakit habang 68 ang mga nasawing positibo sa COVID-19 at 35 ang nasawing COVID Pneumonia Suspect/Probable

Nasa Alert level 1 na rin ang bayan ng Daet  matapos na makapagtala ng 81. 05 % immunization  coverage mula March 2021 hanggang March 30, 2022 batay sa datos ng Provincial COVID- 19 Vaccination Operation Center

Ang bayan ng Daet bilang sentro ng komersyo ay nagpapatupad na ngayon  ng maluwag na restriskyon kung saan pinahihintulutan na ang paglabas ng publiko sa lahat ng edad

Gayundin ang 100 % capacity sa lahat ng restaurant mapa- indoor o outdoor venue at maaari na ring mag operate sa full capacity ang public transportation

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *