Pinakamabagal na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Bicol noong Marso naitala sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Pinakamabagal ang “headline inflation” o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Marso kumpara sa limang probinsiya sa Bicol.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) naitala sa lalawigan ang antas na 1. 7 percent na mas mababa sa 2. 3  percent noong Pebrero at 8. 7 percent sa kaparehong panahon noong 2021.

Ito na rin ang pinakamababang antas ng inflation simula Enero ng kasalukuyang taon at sa loob ng apat na taon sa magkakaparehong buwan.

Pinakamabilis ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Sorsogon sa antas na 6. 5  percent.

Sa buong Bicol Region ay bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa antas na 3. 8 percent kumpara sa 2. 8  percent noong Pebrero at 7. 6 percent sa kaparehong panahon noong isang taon.

Sa buong bansa ay tumaas sa 4.0 percent ang inflation na isang porsientong mataas sa 3.0 percent noong Pebrero.

Ayon sa PSA ang mga index ng food and non-alcoholic beverages, housing, water, electricity, gas, other fuels, and transport ang major contributory factor sa overall inflation increase.

Kapag mataas ang inflation kinakailangang gumastos ng mas maraming pera ang mga tao para sa mga serbisyo at produkto na kanilang binibili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *