Bayan ng Taytay, may pinakamataas na kaso ngayon ng dengue sa 23 munisipyo sa Palawan

Nakapagtala ang bayan ng Taytay ng mataas na bilang ng kaso ng dengue sa 23 munisipyo sa lalawigan na mayroon ngayong 120 dengue case.

Ang Taytay ay sinusundan ng mga bayan ng Bataraza may 106 kaso , Brookes Point, 74, sa Roxas 57, Narra-44 at sa bayan ng Quezon ay may 35 dengue case.

Ikinalungkot na dalawa na ang naitalang namatay dahil sa dengue, kung saan ang isang namatay ay mula sa bayan ng Taytay at isa sa bayan ng quezon, base sa datos ng 2023 Morbidity Week 1-7.

Samantala, patuloy ang paalala ng Department of Health sa publiko na pangalagaan ang sarili at pamilya laban sa kagat ng lamok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *