Bella Padilla, napagkamalang si Bea Alonzo sa isang social media post

Binati ng aktres na si Bella Padilla ang kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay sa ika-apat nilang taon bilang magkasintahan.

Inulan ng pagbati ang comment section mula sa mga kaibigan nito sa industriya at pati na rin sa mga fans.

Ngunit nakuha ng isang netizen ang atensyon ni Bela nang mga comment ito ng “Bakit anniversary? Ano yung kay Dominic? Kaloka nakakawalang respeto sa self.”

Napa-reply na lang si Bella ng question mark dahil mistulang nagkamali siya ng na-comment-an na post at napagkamalan niyang si Bea ito.

Hindi naman malinaw kung sadyang nagbibiro ang netizen o talagang napagpalit niya ang katauhan nina Bela at Bea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *