Belo, nilinaw ang ulat na pang-iisnab ni Heart sa kanila ni Alex Go sa Milan

Diretsahang inihayag ni Vicki Belo na hindi naman nang-isnab sa kanya at kay Alex Gonzaga si Heart Evangelista sa Milan.

Ito’y matapos lumabas ang mga ulat na hindi umano pinansin ni Heart si Belo at si Gonzaga nang magsabay-sabay sila sa Milan Fashion Week.

Pero ayon sa celebrity doctor, papaanu sila ma-iisnab ni Evangelista kung hindi naman umano nito alam na nandoon sila, at hindi rin sila nagkita-kita.

Dagdag ni Vicki, na kung panood ng netizens ang Vicki Belo vlog, makikita umanong nagbibiruan lang sila ni Alex

Ang Milan Fashion Week ay nangyari noon pang Setyembre.

Si Heart naman ay dumalo sa ilang fashion shows kabilang na ang Onitsuka Tiger’s show kung saan na-meet nito si Yugyeom ng GOT7, at nakatabi pa nga niya sa upuan sa front row. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *