BEST MISTAKE EVER: bouquet of flowers na hugis-tuta, kinagiliwan online

Ibinahagi ni Sarah Hollingsworth, manager ng Poppylist, isang baby registry company sa Austin, Texas, USA sa kanyang TikTok account ang video ng kanyang bouquet of flowers.

Imbes kase na ‘Poppy flowers’, ang laman ng palumpon, literal na hugis-tuta ang ginawa ng flowerist kung saan nag-order si Sarah.

Ang Poppy Flowers ay isang uri ng bulaklak na tumutubo sa lokal ng California.

Hindi napigilan ni Sarah Hollingsworth ang mapahalakhak nang matanggap ang bouquet na korteng puppy.

 Sinabi niya na baka nagkaroon lamang ng miscommunication sa pagitan niya at ng staff ng flower shop. Kung mapapansin kase, ang pangngalang ‘Poppy’ ay katunog ng salitang ‘Puppy’.

Sa kabila nito, namangha pa rin si sarah sapagka’t maganda naman ang kinalabasan ng bouquet at ginamit pa rin niya ito sa isang exhibit sa San Diego, California.

Umani ito ng mahigit 4.5 million views at 678,000 likes. Komento pa ng iba, “Best mistake ever!” raw ang nangyari kay Sarah. ### JEREMY LESNIANA, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *