BFP-Irosin, may bagong firetruck

SORSOGON CITY – Nasa pangangalaga na ng Bureau of Fire Protection (BFP) Irosin ang pinakabagong firetruck.

Sa panayam ng Brigada News sa acting Chief Fire Marshall SFO4 Ferdinand F. Gonzalez, sinabi nito na ang bagong ekipahe ay dahil sa pagsusumikap nila at pakikipag- ugnayan sa national government.

Ang firetrcuk na nagkakahalaga ng P11.8M ay matagal rin nilang hinintay. Ito umano ay bahagi ng pinaiiral na BFP Modernization Act.

Ayon pa sa opisyal, malaking tulong ang bagong truck sa klanilang hanay dahil malalayo umano ang bawat kabahayan sa ilang mga barangay na nagiging problema nila para mapabilis ang pagresponde at ang pagiging urbanize na ng sentro ng bayan na mas prone sa sunog.

Base sa pamantayan ng BFP, dapat na makaresponde ang isang bombero matapos makarating ang tawag ng tulong sa loob lamang ng 7 minuto o mas mabilis pa rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *