BIA, above standard ayon sa isang kongresista

BICOL—Maituturing umanong above standard ang estado ng Bicol International Airport pagdating sa current operations nito.

Ito ang may paninigurong naging pahayag ni Albay 2ND District Representative Joey Salceda nang matanong ng media kung ano ang assurance na standard ang proyekto.

Dadaan umano sa assessment ng International Civil Aviation Organization (ICAO) ang BIA sa Nobyembre at kung hindi ito mapayagan ay saka lamang maaaring sabihing substandard ito.

Ang ICAO ay siyang bumubuo ng mga paununtunan para sa aviation safety, security, efficiency and regularity at environmental protection. Ito rin ang nagreregulate sa operating practices and procedures sa technical field ng aviation.

Sa Oktubre 7 ay sisimulan na ang domestic day flight sa BIA at sa Nobyembre 7 ay magkakaroon na rin ng night flights dito. || SLM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *