‘BIDA on workplaces’: Random drug testing sa mga workplaces, iminungkahi ng DILG

Isinusulong ngayon ni Interior Secretary Benhur Abalos ang pagkakaroon ng random drug testing sa mga lugar ng paggawa.

Sa isang panayam, umapela ang Kalihim sa mga employers na magkaroon din ng kani-kanilang mga hakbang para masugpo ang iligal na droga sa mga workplaces.

Kasunod pa rin ito ng inilunsad kamakalawa na ‘revamped’ anti-illegal drugs program ng Marcos administration na pinamagatang ‘Buhay Ay Ingatan, Droga’y Ayawan’ o ‘yung BIDA program.

Ayon kay Abalos, kung noong kasagsagan ng surge ng COVID-19 ay nagkaroon ng mga testing sa mga workplaces – maaari raw i-pattern dito ang drug testing naman sa mga empleyado.

Katuwang ang kagawaran – posible umanong ilatag ng mga kumpanya ang mga rehabilitation programs sa mga empleyado nitong magpo-positibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *