Bilang ng dengue cases sa bansa, tumaas ng 191%

Dumoble ang kaso ng dengue at death cases sa buong bansa ayon sa Department of Health (DOH).

Naitala sa Central Luzon ang biggest number of dengue cases na may 38, 640.

Sinusundan ito ng National Capital Region na may 22,666 at Calabarzon na may 16,575.

Sa inilabas na Latest Disease Surveillance Report ng ahensya, nakitang 196,728 ang naitalang kaso ng dengue simula Enero hanggang Nobyembre.

Ayon sa DOH, ang bilang ng mga dengue cases ngayong taon ay 191% na mas mataas kumpara sa 67, 537 cases ng mosquito-borne illness noong 2021.

Bukod dito, nakapagtala rin ang kagawaran ng 642 deaths dhail sa nasabing sakit.

Higit na mas mataas din ito sa 247 dengue death cases noong nakaraang taon.

Samantala, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na naging mababa ang cases ng dengue nooong nagdaang dalawang taon dahil sarado ang mga establisyimento at madalas ay nasa bahay ang mga tao.//SMM
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *