Bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, malapit na muling umakyat sa apat na libo

Aabot nang muli sa halos apat na libo ang bilang ng mga aktibong COVID-19 cases sa bansa.

Ito ay makaraang madagdagan ng 539 ang mga kaso nito sa Pilipinas.

Record-high itong maituturing mula pa noong Abril.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 3,829 ang active cases ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa kabila nito, una nang sinabi ng Health Officials na nananatili pa rin sa low risk ang classification ng bansa.

Ang mahalaga anila sa ngayon ay mas paigtingin pa ang vaccination coverage at ang patuloy na pasunod sa mga minimum health standards at iba pang protocols.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *