Bilang ng mga pamilyang lumikas sa evacuation centers dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, pumalo na sa mahigit 4,000

LEGAZPI CITY – Pumalo na sa mahigit 4,000 mga pamilya ang lumikas sa evacuation centers sa Albay dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Batay sa tala ng Albay Police Provincial Office, umaabot na ito sa kabuuang bilang na 4,759 o 16,440 mga indibidwal mula sa 7 munisipyo at lungsod na nasa loob ng 6km permanent danger zone.

Pinakaramaming nailikas na munisipyo ay ang bayan Malilipot na may 3,267 katao o 907 na pamilya.

Sinundan ito ng bayan ng Camalig na may 3,179 katao o 921 pamilya; Daraga na may 2,977 katao o 807 pamilya; Guinobatan na may 2,967 katao o 876 pamilya, ang Sto. Domingo na nasa 7 km extended danger zone ay may 2,219 katao o 744 na pamilya; Tabaco City na may 1,611 katao o 447 na pamilya; at ang Ligao City ang may pinakakaunting evacuees na umabot lamang sa 220 katao o 57 pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *