90% sa P12.57-B COVID-19 emergency allowance, naibigay na sa health workers

Naipamahagi na sa mga healthcare workers partikular sa mga nurse sa mga pampublikong ospital sa bansa ang ₱12.57-B na halaga ng COVID-19 emergency allowance.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Health Sec. Ted Herbosa, base sa natanggap niyang report, 90% ng emeregncy allowance na ito ang naibigay na.

Ang mga hindi pa nakakatanggap ay mga healthcare workers na nasa pribadong ospital dahil sa ilang isyung teknikal.

Sa kabila nito, naniniwala si Herbosa na kailangang maibigay ang benepisyong ito ng mga nurse na silang nagsakripisyo at nalagay sa peligro ang kanilang kalusugan dahil sa pag-aalaga sa mga pasyenteng nagkasakit ng Covid-19. // CA, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *