Bilang ng mga rebeldeng grupo, target mapababaan ng AFP

KORONADAL CITY — TARGET ng Armed Forces of the Philippine o AFP na mapababa ang bilang o tuluyan nang mawala ang mga rebeldeng grupo sa bansa bago pa man matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni BGen. Pedro Balisi, Jr, Commander ng 1st Mechanized Infantry Maaasahan Infantry Battallion sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Balisi, may kautusan mula sa kanilang higher command na tutukan ang communist insurgency sa mga lugar na may mataas pang bilang ng mga rebelde.

Inihayag nito na committed sila upang ma-neutralize ang Guerilla Front Musa ng New People’s Army o NPA bago matapos ang buwan ng Mayo.

Dagdag pa ni Balisi, na base sa kanilang pinakahuling validation, hindi na umano maituturing na Guerilla Front ang Musa dahil sa unti-unting pagbaba ng kanilang bilang at pwersa kung ihahambing noong mga nakaraang limang taon.

Dahil dito, hinihiling ng opisyal sa ibang mga rebelde na huwang ng hintayin na magkakaroon pa ng operasyon ang militar sa halip sumuko na upang makakuha ng nararapat na programa mula sa pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *