Bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa Basud umabot na sa 94 hanggang noong weekend

CAMARINES NORTE- Pumalo na sa 94 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa bayan ng Basud, Camarines Norte

Yan ay makaraang sunod- sunod na makapagtala ng panibagong kaso ng sakit sa naturang bayan noong nakaraang Linggo  kung saan ang pinakahuli ay nitong weekend na isang 68 anyos na lalaki mula sa Barangay Poblacion 1.

Siya si Bicol No 19093 na close contact ng naunang kaso.

Wala itong nararamdamang sintomas na naka- isolate sa isang isolation facility sa lalawigan.

Dahil dito nasa double digit ang aktibong kaso o 13 habang 78 ang gumaling at 3 naman ang nasawi.

Ang mga Barangay na mayroong aktibong kaso sa ngayon ay ang Poblacion 2 na mayroong siyam, dalawa sa Poblacion 1 at tig- isang kaso sa Mampili at San Felipe.

Kaugnay nito, muling nakiusap ang Lokal na Pamahalaan sa mga constituents nito na sundin ang mga umiiral na health protocols upang makaiwas sa sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *