BIR: Couple, binura ang channel para iwas buwis; P50-P100M, kinita

Binura umano ng couple vlogger ang kanilang social media account para makaiwas sa malaking bayarin sa buwis, ayon sa Bureau of Internal Revenue o BIR.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng BIR, milyun-milyon ang kinita ng couple sa nakalipas na 2 taon kung saan nakabili ang mga ito ng mga mamahaling sasakyan at nagkapagpatayo ng mansion.

Hindi muna pinangalan ang mga ito ng ahensya habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Hahabulin pa rin umano ng BIR ang couple para sa kanilang buwis kahit binura na ang kanilang account.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *