Price freeze, ipinatupad sa 3 bayan sa So.Cot

KORONADAL CITY – NAGPATUPAD na ng price freeze sa mga pangunahing bilihin ang Department of Trade and Industry o DTI sa tatlong mga munisipyo sa lalawigan ng South Cotabato.

Ipinatupad ang price freeze sa mga bayan ng Surallah, Banga, at TBoli na nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.

Saklaw ng price freeze ang mga basic neccesities katulad ng gatas, kape, asin, noodles, bottled water at canned sardines.

Ang sinumang lalabag dito at magbebenta ng lagpas sa itinakdang presyo ng DTI ay papatawan ng multang hanggang P 1 million at pagkabilanggo na hanggang 10 taon. Ang price freeze ay magtatagal ng 60 araw o hanggang June 14 sa Surallah, June 16, sa Banga at hanggang June 21 naman sa TBoli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *