Bisikleta Iglesia ng Naga City Bicycle Board lalabas na sa lungsod

NAGA CITY – Magsagawa ang Bisikleta Iglesia ang Naga City Bicycle Board (NCBB) sa darating na Marso 28, 2024 sa ganap na ala sinko ng umaga mula sa lungsod patungo sa Hinulid Shrine sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur, pabalik sa Naga, kung saan kabuoang 14 na simbahan ang bibisitahin ng mga kalahok sa nasabing aktibidad na sa bawat istasyon o simbahan pagnilayan may pagdarasal.

Sa panayam kay NCBB Head Boboy Hernandez sinabing pang limang taon itong ginagawa pero sa ngayon ay ilalabas na sa lungsod ng Naga, ito dahil may mga nagrerequest na pumunta sa kalapit na bayan, nilimitahan din nila ang bilang ng mga sasama dahil sa ilang dahilan.

Layunin nito na mas palilimin pa ang pananampalataya sa panginoon lalo sa kaparehong panahon at pagbalik loob sa Diyos ngayong Semana Santa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *