Biyaheng Naga-Ligao at Naga-Sipocot and vice versa ng PNR, blockbuster ang pila

NAGA CITY – Mala-blockbuster ang biyaheng Naga-Ligao at Naga-Sipocot and vice versa sa Philippine National Railways sa Naga City, dahil sa dagsa ng mga pasahero ngayong kasagsagan ng kapyistahan sa lungsod.

First trip kaninang umaga umaabot na kaagad sa 1,499 ang mga pasahero at inaasahan pang daragsa hanggang mamayang gabi.

Sa eklusibong panayam ng Brigada News FM Naga kay Operation Manager ng PNR, Joseline Geronimo, inaasahan na talaga nila ang ganitong sitwasyon kaya’t una pa lang ay nagdagdag na ng biyahe na ngayon ay nasa walong biyahe kumpara sa regular na nasa anim lamang. Nagdagdag din sila ng tren na ngayon ay tatlo na. Maging oras din ng biyahe na dati ay hanggang alas 5 lamang ng hapon ngayon ay hanggang alas 7 ng gabi ang last trip.

Inaasahan din na maaaring ang dagdag na biyahe ay posibleng hanggang sa susunod na araw kaugnay pa rin sa Peñafrancia Fiesta sa Naga.

Sinamantala naman ng mga pasaherong mga senior citizens at mga PWD ang libreng sakay na handog ng PNR na matatapos hanggang bukas Setyembre 17, araw ng linggo.

Dagdag pa ng opisyal, katunayan punuan na ang biyahe at inaabisuhan na rin ang publiko na humanap na rin ng ibang transportation lalo na ang Ligao-Naga at Sipocot-Naga na biyahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *