Philippine Coast Guard Auxiliaries Bicol, isang daang porsyento ng handa para sa Fluvial Procession

NAGA CITY โ€“ Handang-handa na ang 500 augmented personnels ng Philippine Coast Guard Auxiliary Bicol para sa gaganaping Fluvial Procession mamayang hapon kaugnay pa rin sa kapistahan ni Inang Peรฑafrancia.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay Ensign Joewskie Abonal Sarza, Deputy Commander ng PCG Auxiliary Camarines Sur, Agosto palang ay nagsasagawa na sila ng mga clearing operations katulad ng underwater inspection upang masiguro na walang butas ang mga bangkang gagamitin at para makita na rin kung may mga nakatagong bomba rito.

Samantala, mayroong 139 na mananagwan naman ang nakapagparehistro na sasama ngayong taon sa prusisyon. Magkakaroon rin sila ng inspeksyon bago makasakay ng bangka ang mga debotong mananagwan at mahigpit nilang ipagbabawal ang mga may impluwensya ng alak, maging ang may mga dalang deadly weapon.

Nakadeploy na rin ang 14 na tanod ng Barangay San Francisco na tutulong sa mga PCG at PNP para sa crowd control upang maiwasang maulit ang Colgante Bridge Tragedy noong 1972.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *