Brazilian pop star, isinugod sa ospital dahil sa pagpigil sakanyang utot tuwing kasama ang boyfriend

Ibinahagi ng isang sikat na Brazilian singer sa kanyang social media account na isinugod siya sa ospital matapos makaranas ng severe stomach pain, kung saan nabanggit niya rin sa kanyang post ang dahilan nito na ikinagulat ng kanyang 15.7 million followers.

Nang ikinonsulta ni Viviane de Queiroz Pereira o mas kilala sa screen name na Pocah, ang kanyang naranasan, napag-alamang “accumulation of trapped farts” o naipon na utot ang rason ng labis na pagsakit ng kanyang tiyan.

Ayon kay Pocah, ang dahilan ng pagka-ipon ng hangin sa kanyang tiyan ay dahil pinipigilan niyang umutot sa tuwing kasama niya ang kanyang boyfriend.

Agad namang nag-viral ang “gastrointestinal fiasco” na ibinahagi ni Pocah sa kanyang instagram account na kalaunan ay binura rin niya.

Nagbigay din si Pocah ng mensahe sa mga kababaihan na huwag ikahiyang umutot tuwing kasama ang boyfriend dahil mas nakakahiya umano na hindi sila nakakatulog dahil sa labis na pag-aalala.

Matatandaan nito lang buwan ng Enero ng naibalitang nakaranas din ng gas pain dahil sa trapped farts ang isang sikat din na celebrity na si Stephanie Matto na nagdulot naman sa kanya ng paninikip ng puso at hirap sa paghinga.### RHODA REODIQUE, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *