Brgy. Kagawad sa Legazpi City, posibleng maharap sa kaso sa pagtangging maging witness sa isinagawang drug buy-bust operation ng PDEA Albay

LEGAZPI CITY – Posibleng maharap sa kaso ang isang barangay kagawad sa lunsod ng Legazpi matapos itong tumangging sumabay at maging witness sa ginawang drug buy-bust operation sa Brgy. Gogon, Legazpi City.

Ang operasyon ay nauwi sa pagkakadakip ng siyam na katao sa isang drug den sa Purok 3 ng nasabing barangay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay Provincial Officer IA III Noe Briguel, sinabi niyang pinag-aaralan na nila kung anong kaso ang maaaring isampa sa opisyal at saka na lamang sila magpapalabas ng pahayag kapag nakapag-file na ng kaso.

Sa hiwalay namang panayam kay Briguel, nauna niya nang sinabi na hindi sila titigil sa pagsugpo sa mga gumagamit ng pinagbabawal na gamot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *