Brunei, nangako kay Marcos na patuloy na susuportahan ang peace process Mindanao

Nangako si Brunei Sultan Hassanal Bolkiah na patuloy na susuportahan ang mga hakbang ng Pilipinas, sa pagtitiyak para magkaroon ng peace at stability, lalo na sa Mindanao.

Sa sidelines ng 40th at 41st ASEAN Summit and Related Summits sa Phnom Penh, Cambodia, nagkaroon ng pagkakataon si Bolkian at Marcos na magpulong.

Dito inihayag ni Bolkiah na magbibigay din ng unification at modification assistance.

Sa panig naman ni Marcos, kinilala nito ang papel ng Brunei sa peace process sa Mindanao na ngayon ay nagpapatuloy sa kabila ng mga hamon na dulot ng COVID-19 pandemic.

Ang Brunei ay bahagi ng International Monitoring Team at independent decommissioning body sa peace process sa Mindanao.

Ibinahagi rin ng pangulo sa sultan ng Brunei sultan na magkakaroon ng parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa 2025. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *