9-anyos na Bicolano, itinanghal bilang kampeon sa International Chess Tournament sa Thailand

KINIKILALA ngayon bilang “Batang Chess Master” ang isang 9-anyos na Bicolano na si Bince Rafael Operiano mula sa bayan ng Oas, Albay.

Ito’y matapos na mag kampeon at maiuwi ng bicolano pride ang gintong medalya para sa kakatapos lamang na 6th Eastern Asia Youth Chess Championship na ginanap sa Bangkok, Thailand mula November 4 hanggang nitong November 12.

Itinanghal bilang Rank 1 si Operiano mula sa 20 iba pang mga katunggali nito para sa U-10 o Under 10 years old category.

Nagawang lumaban ng batang kampeon sa International Chess Tournament matapos itong magwagi sa National Youth and Schools Chess Championships Grand Finals na ginanap naman sa Zamboanga Del Norte nitong buwan ng Setyembre.

Si Bince ay isang anak ng security guard at miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng DSWD.

Sakabila ng hirap sa buhay, pinatunayan ng batang kampeon na hindi magiging hadlang ang kahirapan para mag-uwi ng karangalan sa bansa.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *