BTS RM, at V – pumasok na sa military

Pumasok na sa military ang dalawang BTS members na sina RM at V.

Nagkaroon ng reunion ang pitong miyembro ng BTS kasama sina Jin, Suga, at J-Hope na una nang nag-enlist sa military.

Hindi rin nagpahuli sa picture taking sina Jungkook at Jimin na magsisilbi din sa military ngayong araw.

Naniniwala ang BTS Leader na si RM na maghihintay ang mga ARMYs sa pagbabalik ng boyband.

Pangako naman ni V na babalik sila soon kaya’t palaging mag-ingat ang mga fans.

Ibinahagi rin ni Taehyung sa IG story ang picture nila ni JK na naka-buzz cut.

PHOTO COURTESY: @btstwt

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *