Budol-budol gang, imbuwelto din sa iligal na droga; tatlo pang kasamahan, arestado sa buy-bust

Tiklo sa drug buy-bust operation ang tatlong kababaihan na kasama ng 6 na miyembro ng budol-budol gang na una nang naaresto noong Sabado, Enero 21.

Matapos ang transaksyon ng mga suspek sa isang police na nagpanggap na buyer, agad na pinosasan sina Jorgelyn Sesaldo Patanao, 43-anyos, dalaga; Fely Villarino Espada, 70-anyos, may asawa, negosyante kapwa residente ng Brgy Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan at Katheren Jones Juridico Noriega, 32-anyos, dalaga, naninirahan sa Blk 3 Kadima Letre Road, Tonsoya, Malabon City.

Si Patanao ang nagbenta ng isang sachet ng shabu kapalit ng P1K habang sa isinagawang body search ay nakuha sa posesyon ni Esapada ang isa pang sachet ng shabu.

Kabuuang 0.90 grams na may DDB value na P6, 120.00 ang narekober sa mga suspek.

Ang illegal drug operation ay isinagawa sa kahabaan  ng Maharlika Highway Brgy Pangpang, West District, Sorsogon City ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Sorsogon City Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *